Lumaki tayo na iniisip na ang pag-tahimik ay payapa ngunit tinago lang nito ang sakit.

Ang YAPAK ay isang proyekto na nakatuon na umugnay sa nanonood ng mga kanilang naranasan habang lumalaki sila. Pinapahalagahan ng proyektong ito ang maayos na komunikasyon sa Pamilya

Sa maraming pamilya, ang pagsasabi ng “Sorry” ay mahirap para sa magulang. ‘Di dahil sa wala silang puso, pero dahil sa tradisyon at kinalakihan nila. Ngunit ang katahimikan ay nag-titira ng mga sugat na ‘di nahilom.

Kapit

Sa tahanang nasasakal dulot ng mga patakarang ‘di sinasabi, ang nararamdaman ng isang binata ay natulak sa kanyang breaking point habang nasa tahimik na hapunan kasama ang kanyang striktong ina.

Tipak

Ang pangangailangan sa “perpektong” tahanan ng isang ina ay nasira dahil sa paglaban ng kanyang anak. Dahil dito, napilitan siyang malaman na walang anumang pag-tago ang makakatanggal sa sakit na naipasa sa pamilya.

Kumain Ka Na Ba?

Tuklasan ang perspektibo ng tatlong henerasyon tungkol sa hirap ng paghingi ng tawad sa pamilya, at ang resulta nito sa relasyon nila sa kani-kanilang pamilya.

© 2025 VVIZ Studio Break the Cycle. All rights reserved.

Contact Us

vviz.studios@yahoo.com