Ang mga personalidad na bumubuo ng Yapak
Magkakaiba ang pinagmulan iisa ang naranasan
All of our experiences, kahit man magkakaiba tayo ng pinanggalingan ay meron tayong nakalakihang kultura na nakasanay natin at ng mga naunang henerasyon. At dahil sa natuklasan namin at hindi ito masyadong nabibigyan diskuyon, nagkaroon kami ng hangarin na gamitin ang sining, ang kapantayan ng buhay gamit ang media.
Naisipan namin na ipalaganap ang spark namin sa iba’t ibang pamamaraan, para maipakita na ang aming karanasan, universal man o hinde, ay nadama at napakinggan. Hindi man perpekto pero ito ay nagpapakita kung sino kami.
Hindi lang pagsunod sa yapak ng nakaraan kundi paglikha ng sarili nating bagong Yapak
Naniniwala kami na ang pamilya ang unang dapat magbigay ng kapanatagan sa atin kung saan puwedeng magpakatotoo,vulnerable, magbahagi ng damdamin, at magkaron ng respeto sa isa’t isa. Bilang YAPAK family, bawat yapak na aming nililikha ay kwento ng paglalakbay na humantong sa sandaling ito at sa mga susunod pa.
Ang proyekto namin ay nagsisilbing tahanan, isang safe space kung saan unang nabibigyang boses ang mga karanasang madalas nananatiling tahimik, mga sugat na hindi pa naghihilom, at mga hinanakit na dala hanggang sa paglaki.
© 2025 VVIZ Studio Break the Cycle. All rights reserved.