ABOUT US
Sa likod ng mga proyektong ito ay bahagi ng kung sino tayo
Walang pamilya na perpekto. Palaging nauulit ang alam na dati, pero ang nakasakit saatin ay ‘di na dapat masaktan ang susunod na henerasyon. Itong space na ‘to ay nakakatulong para makita ang mga halimbawang kinalakihan natin, para piliin ang dapat pahalagahan, at kung ano ang dapat natin bitawan.
Binabahagi namin ang mga storya na nagmula sa sari-sarili naming karanasan. Naniniwala kami na ang mga storyang ito ay nagdudulot ng pagbabago. Kaya namin dino-document kung paano iparanas ang pagmamahal sa pamilyang pilipino, at paano natin ito magagawa ng mas-maigi sa susunod.
Ang kinalakihan ay naging nakasanayan
Parang okay na hindi pa naghilom
Simple man or malaki and hindi pagkakaintindihan, minsan ay hindi na lamang pinag-uusapan at kusa nalang bumabalik sa normal na pakikisama.
Lumaki sa takot kaya pinili natin itago ang emosyon
Kahit na itago man ito, bumabalik pa rin ito sa kinalakihan at sa mga kinimkim noon na nagkakaron ng epekto sa relasyon sa anak.
Meron tayong kakayahang magbago
Ang pag-ayaw sa pagtanggap ng mali ay nakakagawa ng pagitan sa magulang at sa anak na hindi masisira ng isang pag-tawad lamang.
ZINE
Bakit nga ba ‘di nagsasabi ng “Sorry” ang mga magulang natin?
Madami saatin ang lumaki na ang tawad ay ‘di sinasabi, kundi inihahatid. Pagkatapos ng mga away, nawawala ang katahimikan, at pagkain ang nagbabalik sa normal na kalagayan, kahit na ‘di parin naaayos ang problema.
Tinutuklasan ng Salu-Salo ang tradisyon na ito, inihayag sa pagkain ang pag-tawad ng isang magulang. Ito ay isang cookbook ng pagkakasundo, kung saan ang mga ulam ay naging kilos ng pag-mamahal, pag-alaga, at ang mga salitang ‘di nasabi.
Naranasan mo narin ba ‘to?
Madalas tayong nananahimik upang ‘di tayo makasakit ng tao na mahal natin. If nasubukan mo nang magsalita sa mga luha na pinipigilan, dapat na may lugar rin ang storya mo.
Ang nararapat sa bawat pamilya.
Emotional safety bilang isang anyo ng malasakit
Dapat ang anak at ang magulang ay may lugar kung saan ang kanilang nararamdaman ay nauunawaan at napapakinggan; Isang tahanan na pinipii ang pag-unawa kaysa sa pamumuna.
Pagkilala kaysa pag-iwas
Kahit sa mga pamilyang kung saan ang kahiyaan ang nagiging madalas na rason sa mga ‘di napapagusapang damdamin, naniniwala kami na ang pag-amin sa mali natin ay nagpapatibay ng respeto at tiwala.
Gumawa ng magandang kinabukasan dulot ng pakikipagkapwa
Ginagalang namin ang pamilya sa purong anyo nito: ginagabayan ang susunod na henerasyon patungo sa mas maayos na relasyon at mas malalim na koneksyon.
“Tumanggi sa pag-mana ng nakakalason.”
© 2025 VVIZ Studio Break the Cycle. All rights reserved.