Halina’t baguhin ang nakasanayan

Ang layunin ng YAPAK

Baguhin ang hierarchical authority belief

Lumaki tayo sa ‘walang tanong, walang paliwanag.’ Ngunit kapag natututo ang magulang na magpakumbaba, matututo rin ang anak ng tunay na accountability.

Ipakita ang halaga ng “Sorry” sa pagtibay ng relasyon sa pamilya

Dahil sa hiya at pag-aalangan, madalas silang nahihirapang magsabi ng damdamin. Ang paghingi ng tawad ay nagpapatatag ng respeto at tiwala, kumpara sa mga kilos na walang kasiguraduhan.

Hikayatin ibahagi ang sariling karanasan tungo sa paghilom

Magkaroon ng pakikiramdam kapag ibinabahagi nila ang kanilang nararamdaman na hindi sila sinisita o pinipigilan, kundi pinakikinggan at binibigyan ng boses magpaliwanag.

LETTERS UNSENT

Naranasan mo na rin ba ‘to?

Madalas tayong nananahimik dahil tingin natin ay respeto ito ating magulang or kaya naman ay mahirap maging vulnerable sa ating pamilya. Kung hindi mo man ito masabi sakanila, ilabas mo ang matagal mo ng gustong sabihin kahit ano pa man ito.

ABOUT US

Sa likod ng mga project ay parte ng kung sino kami

Walang perfect na pamilya. Madalas nauulit ang nakasanayan, pero ang mga sugat na iniwan sa atin ay hindi na dapat maranasan ng susunod na henerasyon. Ang project na ito ay tumutulong makita ang mga halimbawang kinalakihan natin, para mapili kung ano ang dapat pahalagahan, at kung ano ang dapat iwanan na.

Binabahagi namin ang mga kuwento base sa ating nakalakihan. Naniniwala kami na ang mga kuwentong ito ay may kapangyarihang magdulot ng pagbabago. Kaya namin ito dinodokumento, kung paano iparanas ang pagmamahal sa pamilyang Pilipino, at kung paano natin maipapabuti pa.

Ang epekto ng ating kinalakihan

Tingin natin okay na pero hindi lang napapag-usapan

Simple man or malaki ang hindi pagkakaintindihan, minsan ay hindi na lang s’ya pinag-uusapan at kusa nalang bumabalik sa normal na pakikisama.

Lumaki sa takot kaya pinili natin itago ang emosyon

Kahit hindi man pansinin, bumabalik pa rin ito sa kinalakihan at sa mga kinimkim noon na nagkakaron ng epekto sa pagiging magulang at relasyon sa anak.

Meron tayong kakayahang magbago

Nasa atin ang desisyon na baguhin ang nakagawian dahil ang nakaraan ay hindi lang sumasalamin sa pagkatao, kundi sa lahat ng pinagdaanan mo.

ZINE

Bakit nga ba nahihirapan sila magsabi ang “Sorry”?

Madami sa atin ang lumaki na ang pag-sorry ay ‘di sinasabi, kundi ipinapakita sa action. Pagkatapos ng mga away, nagkakaron ng katahimikan at ang pagkain ay nagiging daan sa normal na kalagayan, kahit na ‘di parin naaayos ang problema.

Dito ipinapakita ng Salu-Salo ang paraan ng paghingi ng tawad ng tatlong henerasyon gamit ang cookbook concept kung saan ang bawat hakbang sa recipe ay ang kanilang proseso ng paghingi ng tawad.

Ang yapak mo ang babago sa nakasanayan ng nakaraan.

© 2025 VVIZ Studio Break the Cycle. All rights reserved.

Contact Us

vviz.studios@yahoo.com